Sagot sa mga Obispo ‘Di ako magbibitiw - PNoy

MANILA, Philippines – Walang balak si Pangulong Aquino na mag-resign sa kanyang puwesto gaya ng pa­nawagan ng ilang lider ng Simbahang Katoliko.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, iginagalang nila ang mga saloobin ng mamamayan dahil nasa isang demokras­yang bansa tayo kahit na taliwas ito sa posisyon ng gobyerno.

“Ang pagpapahayag ng mga saloobin ng mga mamamayan ay isa sa mga katangian ng isang masiglang demokrasya at iginagalang namin ang mga ganyang pagpapahayag kahit na taliwas ang kanilang pahayag sa posisyon ng pamahalaan,” sabi ni Coloma kahapon.

Anya, naninindigan si Pangulong Aquino hinggil sa pagtupad ng kanyang sinumpaang tungkulin hanggang matapos ang kanyang panunungkulan.

Magugunita na kabilang si Cebu Archbishop emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa nanawagan kay PNoy na bumaba sa puwesto.

Nagpulong ang National Transformation Council kung saan ay hiniling nila kay PNoy na mag-resign ito matapos ang kontrobersiya sa Mamasapano incident kung saan ay 44 miyembro ng SAF ang nasawi.

Kabilang din sa nana­wagan ng pagbibitiw ni PNoy sina Cebu Archbishop Jose Palma, Zamboanga Archbishop Romulo dela Cruz, Lipa Archbishop Ramon Arguelles, Ba­yombong (Nueva Vizcaya) Archbishop Ramon Villena, Davao Archbishop Emeri­tus Fernando Capalla, Naval (Biliran) Bishop Felomino Bactol.

Show comments