MANILA, Philippines - Iginagalang ng Palasyo ang naging desisyon ni Sen. Chiz Escudero na hindi na padaluhin si Pangulong Aquino sa kasal nila ni Heart Evangelista sa Feb. 15 (Linggo) na gaganapin sa Balesin island club sa Quezon.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nirerespeto nila ang naging payo ni Sen. Chiz bilang kaibigan kay Pangulong Aquino.
Si PNoy ang tatayong best man ni Escudero sa kanilang kasal ni Heart.
Mismong si Escudero ang nagpayo sa kanyang best man na huwag na lamang dumalo sa kanyang kasal dahil ito ay out of town upang hindi na ito maabala sa kanyang mga dapat gawin bilang ama ng bansa.
Puwede namang sa Manila reception na lamang magtungo ang Pangulo kung siya ay hindi naman abala.
“Hindi naman sa madaming problema. Last year pa nasabi ko na sa kanya. It’s an out-of-town wedding. Hassle para sa kanya. He might have things to do. Actually, para sa amin, hassle din ‘yun,” wika ni Chiz.