39 partylist winalis ng Comelec

MANILA, Philippines - Umaabot sa 39 party­list groups ang tinanggal ng Commission on Elections (Comelec) makaraang mabigo na makakuha ng dalawang porsiyentong boto at malaglag sa dalawang sunod na eleksiyon.

Sa Resolution No. 9932, bukod sa pagkakatanggal sa listahan, kanselado na rin ang rehis­trasyon ng 39 party­lists.

Kinabibilangan ito ng 1Ganap/Guardians, AAMA, AANI, ABA, Abante Ka, A Blessed Partylist, ABP-Bicolnon, ABROAD, ADA, ADAM, AFPSEGCO, AGILA, AKAP BATA, AKMA-PTM, AKO.

Kasama din ang AKO BAHAY, ALIM, ALLUMAD, Alyansa ng OFW, Al­yansa ng Media at Showbiz, Ang Ladlad LGBT Party, Ang Minero, ARAL, ARARO, ARC, Abante Tribung Makabansa, Ba­yani, FIRM 24-K at iba pa.

Show comments