P82K bonus ’di na bubuwisan

MANILA, Philippines - Pirmado na ni Pangulong Aquino ang panukalang itaas sa P82,000 ang tax exemption ceiling sa bonuses ng mga empleyado.

Kinumpirma ito kahapon ni Presidential Communications Sec. Sonny Coloma.

Sabi ni Lacierda, ipapadala na sa Kamara ang nilagdaang batas ni PNoy.

Sa nilagdaang panukala, hindi na kakaltasan ng buwis ang mga matatanggap na bonus na hanggang P82,000.

Ang matatanggap na bonus na higit pa sa naitakdang halaga ang siyang bubuwisan.

Show comments