Para sa Fallen 44, Enero 25 pinadedeklarang National Day of Remembrance

Fallen 44 File photo

MANILA, Philippines – Ipinadedeklara ni Neg­ros Occidental Rep. Alfredo Benitez ang Ene­ro 25 na National Day of Remembrance para sa nasawing 44 miyembro ng elite PNP-Special Action Force (SAF).

Base sa House Bill 5383 na inihain ni Benitez, nais nito na ma­ipagpatuloy ng mga Pilipino ang pagbibigay ng pagkilala at paggunita sa kabayanihan ng mga SAF commandos sa pagtupas ng kanilang tungkulin na “to serve and protect”.

Giit pa ng kongresista, ang kanyang panukala ay hindi lamang para sa tinaguriang Fallen 44 kundi kasama na rito ang mga miyembro ng police forces na nasawi sa gitna ng kanilang tungkulin bilang paggalang at pasasalamat sa buong pwersa na inilalagay sa alaganin ang buhay para sa proteksyon at kaligtasan ng lahat.

Dagdag pa ni Benitez, na ang katapangan at pagmamahal sa ba­yan na ipinakita ng mga otoridad sa nangyari sa Mamasapano ay dapat na manatili sa isipan ng mga tao at hindi lamang ngayon kundi hanggang sa hinaharap.

Sa sandaling maisabatas, inoobliga nito ang lahat ng public ins­titutions at military installations na ilagay sa half-mast ang watawat sa tuwing ginugunita ang National Day of Remembrance.

Show comments