MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga netizen sa pamamagitan ng social media sa mga obispong Katoliko na huwag makialam sa trabaho ng Commission on Elections patungkol sa paggawad nito ng kontrata sa global IT provider Smartmatic para sa pagsasaayos ng mga precinct count optical machine (PCOS) na gagamitin sa 2016 elections.
Sinabi ng mga netizen sa ilang website sa internet na, sa halip na sumawsaw sa pulitika, mas dapat ayusin ng simbahan ang mga problema nito tulad ng mga paring nasasangkot sa mga sex scandal.
Ginawa ng netizen ang panawagan bilang reaksyon sa isang pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Public Affairs Committee noong Lunes na bumabatikos sa Comelec sa pagbibigay ng award sa Smartmatic dahil palpak daw ang mga ito noong dalawang nakaraang eleksyon.
Subalit, ayon kay Gerry Stein, “Baket ba nakikialam ang mga obispo? Dapat gumawa sila nang paraan matulangan ang mahihirap, hindi yong sasali sila sa politika.”
Ayon naman sa account ni El Carnicero, “Keep your nose out of politics, CBCP.”
Sa post naman ni angie1875, this is not the job of the Church, to check the Comelec. “Please stick to team patay or team buhay tarp,” dagdag pa niya.