1 wagi ng P149M sa PCSO Grand Lotto

MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang isang mananaya ng lotto matapos matamaan ang winning combination at maiuwi ang P149 milyong premyo ng Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office kagabi.

Tinamaan ng lone bettor ang 03-04-15-27-34-39 upang maiuwi ang P149,017,432 jackpot prize.

Bukod sa Grand Lotto winner ay may isa ring mananaya ang nag-uwi ng P39,032,464 premyo sa Mega lotto 6/45 matapos matamaan ang 04-12-13-15-19-29 winning combination.

Nilalaro ang Grand Lotto at Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado sa halagang P20 kada taya.

Show comments