MANILA, Philippines – Nagsagawa kahapon ng 44-segundong katahimikan ang mga estudyante ng Pasay City West High School bilang pakikiramay sa pagmakatay ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang Linggo.
Ito ay bilang tugon ng pamunuan ng Pasay City West High School hinggil sa panawagan ng Department of Education (DepEd) sa lahat ng paaralan sa bansa.
Nabatid, na alas-6:30 kahapon ng umaga nang magsagawa ng 44-segundong pananahimik ang mga estudyante, guro at kawani ng naturang paaralan pagkatapos ng kanilang flag ceremony.
Ang naturang hakbangin ay bilang pakikiramay at pakikisimpatiya sa mga pulis na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 ng ng taong kasalukuyan.
Bukod dito ay hiniling din nila sa pamahalaan na magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng 44 pulis, na dapat aniya ay may managot sa insidente.