MANILA, Philippines – Hinamon ni Senate President Franklin Drilon ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isuko ang pinuno ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) upang mapatunayan ang kanilang katapatan sa usaping pangkapayapaan.
"The January 25 police operation was a chance to finally arrest Usman and Zulkipli 'Marwan' bin Hir, but our policemen had been foiled, and lost their lives in a tragic and deadly event," pahayag ni Drilon.
Sinabi ni Drilon na bilang kaisa ng gobyerno ang MILF sa pagkamtan ng kapayapaan ay dapat silang tulungan na maaresto ang mga tulad ni BIFF chief Basit Usman.
Nanawagan naman ang Senate Presidente sa publiko na huwag panghinaan ng loob sa pangarap na makamtan ang kapayapaan sa Mindanao.
"Peace is never easy. Let us not give up.”
Samantala, bumitaw bilang -co-author sa Bangsamoro Basic Law (BBL) sina Senador Alan Peter Cayetano at JV Ejercito kasunod ng pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force.
Sinabi ng Palasyo na hindi dapat makaapekto ang insidente sa pagbuo ng BBL, habang iginiit ng MILF na lalala lamang ang sitwasyon kapag hindi ito ipinasa.