MANILA, Philippines – Nagpasalamat si dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada sa naging desisyon ng Korte Suprema ngayong Miyerkules.
Idinaan ni Estrada ang kanyang pasasalamat sa micro-blogging site na Twitter matapos ibasura ng mataas na hukuman ang disqualification case laban sa alkalde sa botong11-3.
Maraming salamat po sa Supreme Court. RT@TedTe Estrada DQ case dismissed (11-3), details later at press briefing at 130.
— Joseph Estrada (@PresidentErap) January 21, 2015
Ang abogadong si Alicia-Risos Vidal at dating alkalde Alfredo Lim ang kumwestiyon kung may kakayahan bang tumakbo si Estrada matapos makulong sa kasong plunder.
Sinabi ng Korte Suprema sa kanilang desisyon na kinilala nila na “absolute pardon” ang nakuha ni Estrada mula sa kay dating Pangulo at ngayo'y Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa huli ay nangako si Estrada na pagbubutihin pa ang pamamalakad sa lungsod.
Magtatapos ang termino ng alkalde sa 2016.