Tacloban airport balik normal

MANILA, Philippines – Normal na sa Tacloban Airport kaya puwede nang lumapag at lumipad ang mga eroplanong may operas­yon dito.

Ayon sa ulat, naialis na ang Bombadier jet na sumadsad dito ilang minuto pagkatapos mag-take off ang sinasakyan eroplano ng Santo Papa pabalik ng Manila.

Sakay ng Bombadier aircraft ang ilang opisyal ng gobyerno noong Sabado ng magka-aberya ito sa runway ng Tacloban airport at mabahura sa putikan.

Ayon sa impormasyon, may mga dumating ng mga commercial flights sa nasabing airport at mga mala­laking eroplano para isakay ang mga na-stranded na pasahero.

Show comments