2 patay kay 'Amang'

MANILA, Philippines – Dalawa ang iniwang patay ng bagyong “Amang” ayon sa state disaster response agency kagabi.

Isa sa mga nasawi ang Papal mass volunteer sa Tacloban na si Kristel mae Padasa, 26, matapos mabagsakan ng soundbox dahil sa lakas ng hangin.

Nalunod naman ang 69-anyos na si Domngo Tablate ng Antipolo del Sur, Virac, Catanduanes.

Samantala, halos 8,000 katao o 2,000 pamilya ang naapektuhan ng Amanag sa regios 5, 7, at 8.

Nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas ang lalawigan ng Albay, habang sa primary at secondary levels lamang sa Catanduanes at Sorsogon.

Show comments