Pope Francis humingi ng dasal sa publiko

MANILA, Philippines – Sa kanyang pagbisita sa Sri Lanka at Pilipinas, humiling ang Santo Papa ng dasal sa publiko para sa ligtas at mapayapang biyahe.

"I would like to ask you to please accompany me with prayer. I'd also like to ask the Sri Lankans and the Filipinos who are here in Rome to pray especially for me and this trip," ani Pope Francis sa Angelicus prayer sa Vatican.

Nakatakdang bumiyahe ang Santo Papa patungong Sri Lanka mamayang gabi upang i-canonize ang isang paring si Joseph Vaz.

Sa Huwebes ng gabi inaasahang darating sa Pilipinas si Pope Francis at aalis sa Enero 19.

Bibisitahin ng Santo Papa ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas.

 

 

Show comments