1 wagi ng P160M Superlotto jackpot

MANILA, Philippines – Isang masuwerteng mananaya ng lotto ang instant milyonaryo matapos masungkit ang higit P160 milyon na jackpot, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Tinamaan ng hindi kinilalang winner ang 38-31-19-13-34-06  combination ng Superlotto 6.49 na binola kagabi.

Umabot sa P160,083,688 ang kabuuang premyo

Hindi pinapangalanan ng PCSO ang mga nanalo sa lotto upang matiyak ang seguridad nila.

Nilalaro ang Superlotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo, kung saan P20 ang kada taya.


 

Show comments