MANILA, Philippines (UPDATED) — Sugatan ang tatlong tripolanteng Pilipino matapos bombahin ang sinasakyan nilang Greek-operated oil tanker sa Libya kahapon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa Intensive Care Unit ang isa sa tatlong Pilipino, habang ang dalawa ay nagtamo lamang ng minor injuries.
Tumanggi naman ang DFA na pangalanan ang mga biktima, habang hindi pa naipapalaam sa kanilang mga pamilya.
Kasalukuyan nakataas ang Crisis Alert Level 4 ng DFA sa Libya dahil sa kaguluhan ng dalawang rebeldeng grupo.
Patuloy ang panawagan ng DFA sa mga Pilipino sa Libya na umuwi na upang maiwasang madamay sa kaguluhan.
"The DFA appeals to all Filipinos nationals there to take extra precaution and to avail of the Philippine government's repatriation program."