Tauhan ng drug lord, tiklo

MANILA, Philippines – Arestado ang sinasabing tauhan ng isang drug lord  sa isinagawang operasyon, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang nadakip na suspek na si Eduardo Carmen, alyas Idot, 48, miyembro ng ‘Commando Gang’ at residente ng Phase 7A, Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nagsasagawa ng operas­yon ang pulisya sa pamumuno ni SPO1 Pascua dakong alas-8 ng umaga ukol sa naganap na pamamaril sa may Phase 88 Balwarte, Bagong Silang, nang maispatan si Carmen na may bitbit na sumpak.

Agad na inaresto ng mga pulis si Carmen at kinumpiska ang armas na may isang bala ng 12mm shotgun.

Sa beripikasyon, nabatid na tauhan umano si Carmen ng isang drug lord na  miyembro naman ng ‘Panoy Drug Group’.  Kabilang din umano ito sa watchlist ng mga tulak ng iligal na droga sa lungsod.

Show comments