MANILA, Philippines – Upang higit pang mapalakas ang anti-criminality campaign sa taong 2015, lalagyan na ng Philippine National Police ng mga Closed Circuit Televisions (CCTV) cameras ang lahat ng mga himpilan ng pulisya at ang nasa 100 natukoy na high-crime areas sa Metro Manila.
Ito ang inihayag kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II kung saan uumpisahan na ang paglalagay ng mga CCTV’s ngayong buwan.
Noong Marso, ay ipinatupad ng PNP ang mabilisan at epektibong pagre-report sa mga krimen sa pamamagitan ng Incident Record Form (IRF) sa mga police precint sa Metro Manila bilang pamalit sa lumang sistema ng blotter sa pagrerekord ng mga data sa krimen.
Samantalang kabilang naman sa nakalinyang proyekto pa ng PNP sa taong 2015 ay ang pagpapalawak pa ng ‘Operation Plan Lambat-Sibat’ sa buong kapuluan na inisyal na inilunsad at naging matagumpay sa Metro Manila.
“We can no longer allow the PNP to operate ad hoc, in silos and sporadically. We need a programmatic, deliberate and sustained approach in fighting crime. Rest assured that the PNP remains focused on their duty to serve and protect the people,” dagdag pa ng Kalihim.