Sa pag-pullout ng “No Race, No Religion T-shirt” Papal Visit 2015 Central Committee nagpasalamat

Puspusan na ang pagkukumpuni ng Quezon brigde na bilang paghahanda sa Pista ng  Itim na Nazareno sa Enero 9 at pagbisita ng Santo Papa sa  Enero 16. (Kuha ni Val Rodriguez)

MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media at Papal Visit 2015 Central Committee sa ginawang pag-pull out ng ABS-CBN sa kanilang papal visit souvenir items na “No Race, No Religion T-shirt” na lumikha ng kaguluhan sa social media.

Kaugnay nito, umaasa si CBCP-Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media executive secretary Father Lito Jopson na itaguyod ng bawat isa ang tema ng papal visit na pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa sa paglalabas at pagbibenta ng mga collectors at souvenir items.

Inihayag ni Father Jopson na “Mercy and Compassion” ang tema ng Papal Visit 2015 na siyang dapat maging sa pagpapalabas ng collectible at souvenir items.

Ipinaala-ala naman ni CBCP-Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media chairman Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa lahat na tiya­king magamit sa tamang pamamaraan ang pagpahayag ng mabuting balita sa pamamagitan ng mga logo at larawan o mga Pope Francis memorabilias.

Show comments