Rapist tiklo

CAMARINES NORTE, Philippines – Buena mano sa loob ng kulungan para sa taong 2015 ang isang 46 anyos na rapist na ipagharap ng reklamo nang isang babaeng menor de edad matapos itong masakote ng mga awtoridad  sa Purok 5, Brgy. Parang, Jose Panga­niban, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Evan  Dizon, Presiding Judge ng Regional Trial Court  Branch 40 ng Daet, Camarines Norte ang suspek na nakilalang si Jesus Putong residente ng Purok 2 Brgy. Sta Milagrosa, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong rape in relation to RA 7610 at walang piyansang inirekomenda sa pansamantalang kalayaan nito. Kasalukuyan ng nagdurusa sa kulu­ngan ang suspek.

Show comments