Magpinsan huli sa murder

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng magpinsan na kapwa nasa talaan ng pulisya bilang municipal most wanted person makaraang matunton ng pulisya ang pinagtataguan ng mga ito sa Brgy. Alayao, Capa­longa, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Sa bisa ng warrant of arrest ay dinakip ng Capa­longa Police at Philippine Coast Guard bandang alas 10:30 ng umaga ang mga suspek na sina Nestor Ibarbia Arce, no. 6 most wanted na kriminal 6  at Lemuel Santos Arce, na ika-7 bilang most wanted sa batas na kapwa residente sa nasabing lugar.

Ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Roberto A. Escaro, Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte sa kasong murder at walang piyansang inirekomenda ang korte.  Ang magpinsang suspek ay kasalukuyan ng humihimas ng rehas na bakal sa detention cell ng Capalonga Police.

Show comments