Bawas-presyo sa LPG, ipinatupad

MANILA, Philippines - Magandang pagsalubong na Bagong Taon sa publiko ang bumulaga dahil nagpatupad ngayon ng rollback sa presyo ng liquified petroleum gas  (LPG)  at cooking gas ang ilang kumpanya ng langis.

Ang rollback ay pinangunahan ng Petron at epektibo ang pagpapatupad nito bandang alas-12:01 ng madaling araw.

Nabatid na ang rollback sa Gasul at Fiesta Gas ay nasa P5.50 kada kilogram habang sa auto LPG naman ay nasa P3.44 kada litro.

Ayon sa Petron, ito ang unang pagpapatupad sa  bawas presyo sa unang buwan ng 2015.

Inaasahang magpa­patupad  na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis na may kahalintulad na halaga.

Ang pagpapatupad ng rollback sa LPG at cooking gas ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan sa world market. (Lordeth Bonilla)

 

Show comments