Tamang pagboto ituturo sa high school

MANILA, Philippines - Nais gawing compulsory ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang pagtuturo sa mga nasa junior at senior high school sa bansa ang tungkol sa tamang pagboto.

Sa Senate Bill 2472 na inihain ni Santiago sinabi nito na panahon na para isama ang voter education sa mga itinuturo sa mga estudyante dahil kinikilala ng estado ang kahalagahan ng mga kabataan sa nation building.

Kapag naging batas, ang panukala ni Santiago ay tatawaging Compulsory Voter Education Act kung saan aatasan ang Department of Education na isama sa junior at senior high school curricula ang mga impormasyon tungkol sa pagboto at ang kahalagahan ng karapatan ng mga mamamayan na makaboto.

Ituturo rin sa mga estudyante ang iba’t ibang uri eleksiyon na ginaganap sa bansa at kung papaano at kailan boboto at kung sino-sino ang mga kandidato.

Tuturuan rin ang mga estudyante kung papaano maghain  ng reklamo na may kinalaman sa eleksiyon.

Kapag naging ganap na batas, agad na isasama sa junior at senior curricula ang “mandatory voter education” sa pagsisimula ng klase.

Matatandaan na isa sa mga kumanditong presidente ng bansa si Santiago pero natalo ito ni dating Pangulong Fidel Ramos.

 

Show comments