Palasyo idineklarang holiday ang Enero 15, 16 at 19

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Martes ang Enero 15, 16 at 19 bilang special, non-working holiday sa Metro Manila para sa pagdating ng Santo Papa sa bansa.

"I have hereunto set my hand and caused the seal of the Republic of the Philippines to be affixed," sabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. sa nilagdaan niyang deklarasyon.

Nitong nakaraang buwan ay nagdeklara na ng apat na araw na holiday si Manila Mayor Joseph Estrada para sa Enero upang matiyak ang seguridad ni Pope Francis sa nasasakupang lungsod.

Milyung-milyong katao ang inaasahang daragsa sa pagdating ng Santo Papa na daraan sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Show comments