PRO vs trader, iniutos ipatupad

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng writ of execution ang Pasig Regional Trial Court para sa Permanent Restraining Order na inisyu nito laban sa negosyanteng si Reghis Romero II at dalawa pang kompanya kaugnay sa operasyon sa Harbor Centre facility sa Tondo, Manila.

Inatasan ni Judge Rolando Mislang ng Pasig RTC Branch 167 ang Branch Court Sheriff na ipatupad agad ang writ of execution na ipinalabas noong December 19.

Ibinasura rin ng korte ang lahat ng legal impediments sa pagbabalik sa One Source Port Services Incorporated upang pangasiwaan ang operasyon.

Alinsunod sa writ of execution, inatasan ni Mislang si Romero at ang dalawang kompanya nito na   itigil ang panghihimasok sa operasyon ng sampung ektaryang Harbour Centre terminal facility sa Vitas, Tondo. Pinatitigil din si Romero na magpakilalang may-ari ng Harbour Center Port Terminal at gayundin ang pangongolekta at pagtanggap ng pondo.

Pinagbawalan din ang negosyante na pumasok sa pasilidad nang walang pahintulot ng One Source. Una nang hiniling ng One Source sa pamamagitan ng legal counsel na si Ryann Macapagal ang smooth turnover ng management at operasyon sa Harbour Center upang maiwasan ang karahasan.

Show comments