Malamig ang Pasko ko – Sen. Bong

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit ni suspended Sen. Ramon Revilla Jr. na makapag-piyansa sa kanyang kasong plunder at graft.

Hindi pinagbigyan ng anti-graft court ang isinampang motion for reconsideration ni Sen. Revilla na payagan itong maglagak ng piyansa dahil daw sa kawalan ng merito.

“With due respect, the Honorable court erred in finding that strong evidence of guilt exists against Sen.  Revilla for the crime of plunder,” nakasaad sa mosyon ng kampo ni Revilla.

Una nang inisnab ng anti-graft court ang motion to bail sa naturang mga kaso ng senador dahil sa umanoy kawalan ng sapat na basehan para mapayagan itong makapagpiyansa.

Makaraan ang hearing kahapon, sinabi ni Revilla na tanggap niya anuman ang desisyon ng korte at naniniwala siya  na may hustisya sa ating bansa.

Aniya, malamig ang kanyang Pasko at hindi na daw siya hihirit ng Christmas furlough sa Sandiganbayan matapos ibasura ang kanyang kahilingang mag-piyansa.

Si Revilla ay kasamang magpapasko sa loob ng PNP Custodial Center sa Kampo Crame si Sen. Jinggoy Estrada.

Show comments