MANILA, Philippines – Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga distribution utility at mga kooperatiba na bawasan pa ang kanilang singil sa kuryente, bunsod na rin ng sunud-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay ERC Executive Director Atty. Francis Juan, walang dahilan para hindi bumaba ang singil sa kuryente, lalo na kung diesel o langis din ang panggatong na ginagamit ng mga power plant.
Ipinaliwanag ni Atty. Juan, kung ang pasahe sa mga jeepney ay binawasan na ng P1 at ginawang P7.50 na lamang kaya’t dapat ring magbaba ng singil ang mga distribution utility at mga kooperatiba.
Sinabihan na aniya ng ERC ang mga distribution utility at kooperatiba kaugnay nito.
Nabatid na maraming power plant sa Luzon ang gumagamit ng langis sa kanilang operasyon upang tumakbo kaya’t nagtataas ang mga ito ng singil kapag tumataas din ang presyo ng petrolyo.