X’Mas break simula sa Dec. 19 – DepEd

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Education (DepEd) na magsisimula na ang bakasyon sa elementary at high school sa mga pampublikong paaralan sa Disyembre 19.

Ayon kay Education Sec. Armin Luistro, ito ay alinsunod sa school calendar para sa school year 2014-2015 kung saan ang X’mas break ay hanggang Enero 4.

Sinabi ni Sec. Luistro, magbabalik-eskwela ang mga estudyante sa Enero 5, 2015.

Aniya, ang isang school year ay binubuo ng 201 na araw na pasok ng mga bata sa paaralan.

Show comments