Arrest warrant vs Pemberton inilabas na

MANILA, Philippines — Naglabas ng arrest warrant ngayong Martes ang Olongapo court laban kay United States Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton na suspek sa pagpatay kay Filipino transgender Jennifer Laude.

Nahaharap sa kasong murder si Pemberton dahil sa pagpatay umano kay Laude sa loob ng isang paupahang kuwarto sa Olongapo City noong Oktubre 11.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng gobyerno ng US si Pemberton at nakakulong sa Mutual Defense Board facility sa loob ng Armed Forces of the Philippines headquarters sa Quezon City.

Sa pagkamatay ni Laude ay muling nabuhay ang protesta para sa pagbuwag ng Visiting Forces Agreement.

Show comments