US marine Pemberton kinasuhan ng murder

MANILA, Philippines — Pormal nang kinasuhan ng murder si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton kaugnay ng pagpatay umano kay Filipino transgender Jennifer Laude.

Nakitaan ng “probable cause” ang kaso kaya ito itinuloy, ayon kay Olongapo City Prosecutor Emily de los Santos ngayong Lunes.

Si Pemberton ang huling nakitang kasama ni Laude nang matagpuan ang bangkay ng transgender sa loob ng isang motel sa Olongapo City nitong Oktubre.

"As a prosecutor, going through the evidence, we believe we have a strong case [against Pemberton]," pahayag ni De los Santos sa isang panayam sa telebisyon.

Hawak na ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 ang kaso.

Show comments