Sekyu tinamaan ang P19.5M jackpot sa lotto

MANILA, Philippines – Kinubra kahapon ng isang 44-anyos na security guard sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang tinamaang P19.5 milyon premyo sa 6/42 draw.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II tinamaan ng security guard ang kombinasyong 14-19-23-29-30-34 na binola noong Nobyembre 27.

Halagang P20 lamang ang ginastos ng bagong milyonaryo nang tumaya gamit ang “random pick.”

Balak bumili ng bahay at lupa ng security guard sa napanalunang pera, habang ang matitira ay ilalaan para sa kinabukasan ng tatlong anak.

Nais rin ng security guard na magnegosyo at ibahagi ang biyaya sa charity.

Show comments