Ex-PCGG chief kakasuhan ng graft

MANILA, Philippines – Pinakakasuhan ng graft ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Presidential Commission on Good Govern­ment (PCGG) Chairman Camilo Sabio dahil ti­nangka umano nitong impluwensiyahan ang kanyang kapatid na si Court of Appeals (CA) Associate Justice Jose Sabio Jr.

Nakakita si Ombudsman Conchita Carpio Morales ng probable cause para maidiin si Chairman Sabio sa dalawang counts ng graft at paglabag sa Article 243 ng Revised Penal Code.

Sa joint resolution ng Ombudsman, noong May 30, 2008 nakatanggap ng tawag si Justice Sabio mula sa kanyang kapatid na si PCGG Chairman Sabio na nagsabi sa kanya na isa ito sa mga mahistrado na hahawak sa Meralco-GSIS case.

Kinumbinsi umano ni Chairman Sabio ang kapatid na tulungan ang GSIS dahil ito ay tumutulong sa kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan.

Hindi naman nakasama sa kinasuhan si Justice Sabio dahil hindi nakita ng Ombudsman na ito ay naimpluwensiyahan ng kanyang nakatatandang kapatid.

Show comments