Pandacan oil depot alisin - SC

MANILA, Philippines - Inutos na ng Korte Suprema ang pagpapaalis ng oil depot sa Pandacan at paghahanap ng bago nitong oil terminals.

Sa botong 10-2, idineklara ng SC na unconstitutional at invalid ang Manila City Ordinance No. 8187 na pinapayagan na manatili ang oil terminals.

Inatasan din nito si Manila Mayor Joseph Estrada na bantayan ang ginagawang  relokasyon at paglilipat hanggang sa makaalis ng Pandacan area.

Pinagsusumite rin ng SC ang mga oil companies sa Manila City Regional Trial Court Branch 39 ng updated comprehensive plan at relocation schedule sa loob ng 45 raw.

Nakasaad din sa desisyon ng Korte na ang  pananatili ng oil depots ay pagtuloy na maglalagay sa panganib sa mga residente lalo pa’t nagiging target ng mga terorista.

Kailangan aniyang mas bigyan ng prayoridad ang kapakanan ng mga residente at hindi ng ano pa man.

Show comments