Meat shop helper, itinumba

CEBU CITY, Philippines – Pina­bulagta ang 39-anyos na meat shop helper matapos itong pagbabarilin ng tatlong di-kilalang kalalakihan sa Barangay Poblacion, bayan ng Liloan sa Cebu noong Biyernes.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Roel Sasing habang tumakas naman ang gunmen sakay ng motorsiklo.

Sa ulat ni P03 Jesson Gayo, desk officer of Liloan PNP, Abala sa pag-aayos sa pinapasukang meat shop sa public market ang biktima nang lapitan at ratratin.

Naisugod sa Cebu Provincial Hospital sa Danao City subalit idineklarang patay ang biktima.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

Show comments