Pinoy seaman negatibo sa Ebola

MANILA, Philippines - Negatibo sa Ebola ang isang tripulanteng Pinoy na iniulat na kinakitaan ng sintomas ng naturang virus.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Charles Jose, ang tripulanteng Pinoy ay naka-confine sa isang pagamutan sa Greece dahil sa sakit na malaria at kumplikasyon sa atay.

Klinaro na rin ng Greek health authorities na hindi Ebola ang sanhi ng pagkakasakit ng nasabing tripulante.

Mula sa report ng manager ng Greek-flagged carrier Magda P sa Embahada ng Pilipinas sa Athens, na-diagnosed ng malaria at complication sa liver ang Pinoy.

Inalis na umano ng mga doktor ang posibilidad na tinamaan ng Ebola virus ang nasabing seaman.

 

Show comments