MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Pilipinas sa pagiging host-country nito sa darating na 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting na gaganapin sa Pilipinas.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, siyam na lugar sa Pilipinas ang magsisilbing venue para sa susunod na APEC summit.
Ang mga lugar na pagdarausan ng APEC meeting ay ang Clark sa Pampanga, Legaspi City sa Albay, Bagac sa Bataan, Boracay sa Aklan, Cebu, Manila, Iloilo City, Tagaytay at Bacolod City.
Ani Valte, ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paghahanda upang maging kaaya-aya sa mga bisita ang Pilipinas upang bumalik pa ang mga ito sa sandaling matapos ang APEC summit.