Rehab sa Yolanda tatapusin sa termino ni PNoy

ORMOC CITY, Leyte, Philippines – Tiniyak ni Rehabilitation Czar Panfilo Lacson na tatapusin ng gobyerno ang rehabilitasyon sa mga lugar na matin­ding pininsala ni super­typhoon bago magtapos ang termino ni Pangulong Aquino sa 2016.

“It’s a tall order. He gave the assurance na siya na mismo bilang Pangulo at pinakamaganda yung head ng bawat agency na involved dito ay binigyan ng order,“ pahayag ni Lacson na iginiit na bawat pondong ilalabas ay masusing babantayan upang maiwasan ang kickbacks.

Sinabi ni Lacson na determinado ang mga kinauukulang opisyal ng gobyerno na tumalima sa kautusan ni PNoy dahil hindi ito maaaring sumablay at siguradong mananagot.

Ayon kay Lacson, naglaan ang gobyerno ng P167.8 bilyon mula sa national budget sa loob ng dalawang taon para ipantustos sa recovery plan sa kabuuang 171 siyudad at munisipalidad sa may 44 probinsya partikular na sa Samar at Leyte na prayoridad tapusin ng gobyerno bago bumaba sa puwesto si PNoy.

Show comments