MANILA, Philippines – Sa isang ‘isolated’ na isla sa Luzon isasailalim sa 21 araw na quarantine ang 112 Pinoy peacekeepers na uuwi mula sa Liberia sa susunod na linggo.
Ito’y matapos maglabas ng resolusyon ang mga lokal na opisyal sa Tarlac na tinutulan na gawing quarantine area ang military camp doon.
Isa ang Liberia sa mga bansa sa West Africa na may mataas na kaso ng nakamamatay at nakahahawang Ebola virus.
Tumanggi naman si Lt. Col. Harold Cabunoc na tukuyin kung anong isla ang napili ng AFP.
“They will be isolated. The chief of staff has decided to put them in a secluded place…that is an island-paradise but I could not disclose the exact location as of now,” ani Cabunoc.
May mga residente rin anya sa nasabing isla at tiniyak sa mga ito na walang dapat ikatakot dahil hindi airborne ang Ebola virus.
Ang 112 miyembro ng PCL ay nakatakdang lumabas sa Nobyembre 11 sa Liberia.
Nabatid na hindi aprubado ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang ang paglalagay sa mga peacekeeper saTarlac o sa V. Luna Medical Center at Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.