QC fire: P.5-M naabo

MANILA, Philippines - Umaabot sa P.5 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo nang lamunin ng apoy ang 60 bahay sa Brgy. Doña Imelda, Quezon City,  kahapon ng umaga.

Ayon kay QC Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez ng Bureau of Fire Protection (BFP) naganap ang sunog sa  apat na palapag na  residential house na pag-aari ng isang Mildred Sanchez sa Area 3,  Kapiligan St., Brgy. Doña Imelda   dakong alas-7:10 ng umaga.

Sinabi ni Fernandez na 100 pamilya ang nawalan ng bahay sa naturang sunog na umabot  sa ika-limang alarma.

Ganap na nakontrol ang sunog dakong alas-8:45 ng u­maga at ganap na alas-9:00 ng umaga nang ideklarang fire out. Napabayaang nakasinding kandila ang sinasabing dahilan ng sunog.

 

Show comments