Firearms license caravan sa gun show

MANILA, Philippines – Sa pagsusulong ng responsible gun ownership, nakiki­pagtutulungan ang Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) sa Philippine National Police (PNP) sa pagsusulong ng caravan na tutulong sa mga gun owners sa pagre-renew ng lisensiya ng baril sa 2014 Defense Sporting & Arms (DSAS) na gaganapin sa SM Megamall sa Mandaluyong City sa Nobyembre 13 hanggang 16.
Ayon kay AFAD President Jethro T. Dionisio, tumutulong ang kanilang organisasyon sa PNP Firearms and Explosives Division (FED) sa pagsasagawa ng caravan sa iba’t-ibang lugar sa bansa upang mabawasan ang dami ng mga expired gun license. Nitong mga nakaraang buwan, binisita ng PNP-FED caravan ang ilang lugar sa Metro Manila para sa pagpoproseso ng License to Own and Possess Firearms (LTOAPF). Tampok din sa apat na araw na gun show, na gaganapin sa 5th floor ng Building B, SM Megamall sa Mandaluyong City simula Nobyembre 13 ang mga modernong armas, bala at shooting paraphernalia.

Show comments