MANILA, Philippines - Masyado umanong matagal at mahaba ang panahon sa proseso ng pag-aampon sa Pilipinas.
Ito ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dahilan kung bakit ang ilang mga adoptive parents ay hindi na nag-aampon, o di naman kaya ay dumadaan sa iligal na paraan ng pag-aampon sa bansa.
Sinabi pa ni DSWD Secretary Dinky Soliman na para mapadali ang pag-aampon, kanilang nadiskubre na may ilang mga magulang ang nauuwi sa pag-tamper ng birth certificate ng mga aampuning bata para lang maikabit ang kanilang pangalan na isang uri ng krimen.
Gayunman, ayon kay Soliman may paraan naman para mapadali sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act 8552 o Domestic Adoption Act.
Sa kasalukuyan, umaabot ng hanggang isang taon ang proseso ng pag-aampon batay sa itinatadhana ng batas.
Bukod sa nasasayang na panahon, dumadaan din sa physical at emotional stress ang mga mag-aampon at ang batang nais ampunin.