Pasaherong tumatalon sa barko babantayan

MANILA, Philippines - Todo bantay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pasaherong tumatalon sa mga pampasaherong barko ngayong nagsimula na ang uwian ng mga tao sa mga probinsya kaugnay ng Undas.

Sinabi ni PCG spokesman Lt. Commander Armand Balilo, mula Hunyo 2014 hanggang sa kasalukuyan ay nasa 12 katao na ang nailigtas ng kanilang mga tauhan matapos tumalon sa barko.

Karamihan ng mga nagsisitalon ay dumaranas ng matinding depresyon at ang iba naman ay maysakit sa pag-iisip.

Pinakahuling insidente ay naganap kamakailan lamang sa karagatan ng Siquijor sa Western Visayas Region.

Isang lalaki na sinasabing dumaranas ng matinding depresyon ang tumalon na muntik na nitong ikamatay dahil bumagsak ito malapit sa propeller ng barko.

Nasagip ang lalaki na nagtangka pang muling tumalon sa ikalawang pagkakataon.

Isa pang pasahe­ro ang nasagip pero na­balian naman ang isang tauhan ng PCG sa pagsagip dito.

Nanawagan naman si Balilo sa publiko na bantayan mabuti ang kanilang mga kaanak na may psychological problem para maiwasan ang ganitong mga insidente.

 

Show comments