Ex-Sen. Juan Flavier pumanaw na

MANILA, Philippines - Pumanaw na kahapon si dating Sen. Juan Flavier sa National Kidney Institute (NKI) sa Quezon City.

Bandang alas-3:55 ng hapon ng ideklarang patay si Sen. Flavier sa NKI dahil sa multiple organ failures. Nasawi ang mambabatas sa edad na 79.

Si Flavier na naging kalihim ng Department of Health (DOH) ang nagpa­sikat sa “Let’s DOH It” slogan. Naging kolumnista din ng Pilipino Star Nga­yon at Philippine Star si Flavier sa kanyang “Doon po sa Nayon” kolum nito.

Isang barrio doctor si Flavier bago ito hinirang ni dating Pangulong Fidel Ramos upang mamuno sa DOH noong 1992 hanggang sa tumakbo itong senador.

Ipinanganak si Flavier noong June 23, 1935 sa Tondo, Maynila pero lumaki ito sa isang mining community sa Balatoc, Benguet at Camp John Hay sa Baguio City.

Sumikat ang barrio doctor sa kanyang “Oplan Alis Disease” campaign at “Let’s DOH It” slogan.

Naulila ni Flavier ang kanyang maybahay na si Susan, mga anak na sina Jondi, Johnet, James at Joy.

 

Show comments