MANILA, Philippines – Hindi sinipot ni US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton ang isinagawang preliminary investigation (PI) ng Olongapo City Prosecutor’s Office kahapon.
Sa halip ay ang mga abugado lamang nito ang naghain ng mga mosyon sa Prosecution panel.
Ipinagtanggol naman ng Department of Justice (DOJ) ang naging hakbang ng Bureau of Immigration (BI) matapos harangin ang fiancé ni Jeffrey ‘Jennifer’ Laude na si Marc Sueselbeck kamakalawa ng gabi habang pasakay ito ng eroplano pabalik sa Germany.
Sasailaim sa deportation proceedings si Sueselbeck matapos itong ireklamo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang magpumilit itong pumasok sa restricted area at itulak ang isang sundalo para mapuntahan ang kinalalagyan ni Pemberton.
Samantala, sa pananaw naman ni Sen. Chiz Escudero ay dapat pinayagan na lamang umalis ng bansa ang German national at inintindi na lamang ang sitwasyon nito ng mamatay ang kanyang fiancee.
Sa panig naman ng DFA ay wala pa daw pormal na koordinasyon ang German embassy sa kanila.