US marine Pemberton nasa Camp Aguinaldo na

MANILA, Philippines – Nailipat na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) headquarters sa Quezon City ngayong Miyerules ang Amerikanong sundalo na suspek sa pagpatay sa Filipino transgender.

Lumapag ang helicopter na may dala kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton sa Camp Aguinaldo bandang 8:45 ng umaga.

Ikukulong si Pemberton sa Mutual Defense Board Security Engagement Facility habang isinasagawa ang preliminary investigation sa kasong murder sa pagpatay kay Jeffry “Jennifer” Laude sa Olongapo City nitong nakaraang linggo.

May air-conditioner ang piitan ni Pemberton na may military-type camp bed.

Hindi dumalo si Pemberton sa preliminary investigation sa kasong pagpatay kay Laude sa Olongapo City Prosecutor's kahapon.

Show comments