MANILA, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan si dating First Gentleman Mike Arroyo na makalabas ng bansa para sa isang linggong pagtungo sa Japan at Hong Kong.
Sinabi ni Associate Justice Roland Jurado, chairman ng anti-graft court 5th Division na may kundisyon ang pagpapahintulot kay Arroyo sa kanyang pagtungo sa naturang mga bansa. Anya kailangang maiprisinta ni Arroyo ang photocopy ng kanyang passport limang araw makaraang bumalik sa Pilipinas.
Kung hindi agad makakabalik si Arroyo sa bansa at hindi makakadalo sa pagdinig sa kaso nito ay hindi na ito hihintayin at itutuloy nila ang naitakdang court proceedings sa kaso nitong graft na may kinalaman sa PNP chopper scam.
Si Arroyo ay pupunta sa Tokyo, Japan at HK mula October 25 hanggang November 2.