MANILA, Philippines – Muling napatunayan ng nasa P400-million Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship Program ang tagumpay nito para paramihin ang Taguig City ng mga bagong professionals kasunod nang pagpasa ng may 69 scholars nito sa kani-kanilang board examinations ngayong taon.
Ayon kay Mayor Lani Cayetano, na buo ang pagmamalaki at kasiyahan sa panibagong tagumpay ng mga scholar, muling napatunayan ng lunsod na hindi lamang kailangan na mag-invest ng malaking resources para sa scholarship program bagkus ay marapat din na ito’y gawin.
Sa nakaraang Mechanical Engineering Licensure Examination, 42 sa 45 LANI scholars ang pumasa, na ang passing rate ay 95 percent, habang may 20 scholars ang ngayo’y licensed Electronics Engineers matapos ipasa ang kanilang licensure examination noong Setyembre.
Ang LANI scholarship sa kasalukuyan ay nagkaroon ng kabuuang 109 Mechanical Engineers at 67 Electronics Engineers at iba pang professionals.