TACLOBAN CITY, Philippines – Pangungunahan ngayong umaga ni Pangulong Noynoy Aquino ang paggunita sa ika-70 taong anibersaryo ng Leyte Gulf Landing ni Gen. Douglas Mcarthur sa Palo, Leyte. Alas-10:00 ng umaga sisimulan ang programa na dadaluhan din ni US Ambassador Philip Goldberg at iba pang opisyal. Kahapon ay namahagi ng tulong ang US Government sa pamamagitan ni Goldberg sa mga biktima ng Yolanda sa bayan ng Palo. Wala namang schedule si PNoy na bisitahin ang mga Yolanda victims sa Tacloban City.