350 Bar examinees umatras

MANILA, Philippines - Umaabot sa may 300 Law graduates ang umatras sa Bar examinations.

Ito ang inilabas na pahayag ng Office of the Bar Confidante kahapon kung saan nakasaad na sa 6,344 pasok sa Bar exams, 348 ang hindi dumating sa unang Linggo ng exams sa University of Santo Tomas.

Lumilitaw pa na pinasukan ng 5,996 ang morning session ng “Political and Public International Law” subalit pagdating ng afternoon session na “Labor and Social Legislation” dalawang  examinees ang hindi na pumasok kaya’t naging 5,994 na lang ang examinees.

Ayon sa OBC mas mahirap pang pagsusulit ang pagdadaanan ng 5,994.

Pinapayuhan ng SC PIO ang mga examinees na dumating ng maaga sa UST upang maiwasan ang anumang aberya.

Kailangan din umanong gumamit ng transparent plastic bags at containers.

Show comments