Pay hike ng mga guro dapat noon pa – Sen. Pia

MANILA, Philippines - Iginiit ni Sen. Pia Ca­yetano na “long overdue” na ang salary grade review at pagtaas ng sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ipinaalala ni Sen. Cayetano na matagal na ring naghihintay ang nasa 520,000 guro sa mga pampublikong paaralan kung kailan ang susunod na pagtaas sa kanilang sahod kung saan ang pinakahuli ay limang taon na ang nakakaraan o noong 2009.

Idinagdag ni Cayetano na palagi na lamang sinasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan pero mistulang hindi nakikita kung sino ang mga naghahanda para sa kanilang kinabukasan.

“We always say that the youth is our country’s hope, but who is preparing our youth for the future? Their fundamental education starts in the school, with our teachers. But are our teachers well compensated? Are they well cared for?” ani Cayetano, chair ng Senate Committee on Education, Arts and Culture.

 Naniniwala si Caye­tano na ang pagtaas ng sahod ng mga guro ay makakatulong ng malaki lalo na at tumataas na rin ang cost of living sa bansa at mahihikayat ang mas maraming kumuha ng kurso ng pagtuturo kung mataas ang sahod sa public school.

Ayon pa kay Caye­tano, kumpara sa sahod ng ibang propesyon,  kalimitan ay mas maliit ang sahod na natatanggap ng mga guro.

“Historically, there are studies showing that the salaries of teachers have fallen behind compared to other professions. Yes, there was a substantial adjustment in 2009, but the law also requires Congress to review these salary grades every three years. It’s now 2014, but no review has been conducted, and so it is high time that we take up this issue,” ani Cayetano.

Kamakailan ay dininig sa komite ni Cayetano ang nasa 11 panukalang batas na naglalayong itaas ang sahod at benepisyo ng mga guro.

 

Show comments