MANILA, Philippines - Anim sa bawat 10 Pinoy o may 62 percent ng mamamayan ang ayaw na ma-extend ang termino ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ay batay sa pinaka latest survey na isinagawa ng Pulse Asia hinggil sa usapin ng pag-amyenda sa Konstitusyon na magbibigay daan sa inaasahang pagpapalawig ng termino ng Chief executive.
Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na hindi na siya tatakbo para sa ikalawang termino pero gagawin ang nais ng kanyang mga boss, ang taumbayan.
May apat naman sa 10 Pilipino o 38 percent ang pabor sa term extension ni PNoy.
Walo naman sa kada 10 Pinoy o 62 percent ang ayaw amyendahan ang Konstitusyon dahil sa pagtutol na mabigyan ng permiso ang mga dayuhan na magkaroon ng mga pagmamay-aring lupain sa Pilipinas.
May 20% namang payag sa Cha-cha habang 18% ang wala pang desisyon.
May 1,200 respondents ang natanong ng Pulse Asia sa ibang ibang bahagi ng ating bansa hinggil sa isinagawang survey na ito.
Sinabi naman ni Communications Sec. Herminio Coloma, na makikinig ang Pangulo sa nais ng kanyang mga boss bago gumawa ng kanyang desisyon.
Ilang kaalyado ng Pangulo sa Kamara ang nagsusulong ng Chacha at pag-alis sa term limit sa mga elected officials upang muling makatakbo si PNoy sa 2016 elections.